My Blog List

Mt. UIap | Mother Mountain | Unang Budol

Nagsimula ako sa pamumundok dahil napilit lang ako. Tandang-tanda ko pa na halos isang taon akong inaya para lamang sumama na umakyat ng bundok dahil ayaw ko talaga. The thought of climbing a mountain and reaching its summit is really great, fulfilling like what a casual hiker would say, but even though I still don't have an experience when it comes to climbing a mountain, I know that the journey along the way won't be that easy.


Unang kilometro pa lamang ng paglalakad mula sa registration agad ko ng sinabi sa sarili ko na hindi na ako uulit pa. Tama nang napagbigyan ko na yung paulit-ulit na pag-aya.

Hindi para sa akin 'to.

Ayoko na.

Ayoko ng umulit pa. Makalipas ang ilang oras ng parang halos walang katapusang lakaran ay panandalian akong naupo. Halo-halo na yung nararamdaman ko. Pagod, uhaw, sakit sa binti at buong katawan. Kasama pa yung pagkahilo, pati na yung gutom at pagkahapo na halos hindi ko na mahabol ang sarili kong hininga dahil sa dami at haba ng lakaran.

Nagsimula akong mapaisip kung dapat ko pa bang ituloy papunta sa tuktok o baka naman dapat ko ng simulan ang lumakad pabalik sa jump-off habang malapit pa. Hindi pa man din ako nakapagdedesisyon ay muli na namang nagtayuan yung mga kasama ko, hudyat para muli kaming magpatuloy sa pagtahak ng daan patungo sa summit.

Laban.

Matapos muli ang ilang oras ng walang katapusang lakaran nang marating namin ang unang summit.

Salamat naman.

Wala akong naging ibang bukambibig nung mga oras na yun bukod sa "Ang ganda" at halos hindi ko maipaliwanag kung ano yung nararamdaman ko nung mga panahon na yun dahil sa mga nakikita ko. Saan man ako lumingon, wala akong ibang makita kundi nagtataasang puno at mga bulubundukin. Puro luntiang halaman at bughaw na kalangitan lamang yung nakikita ko saan ko man ituon yung paningin ko.

Tahimik. Malawak. Payapa.

Malayo sa lugar na kinagisnan at kinalakihan ko.

Kapayapaan. Panandalian lang pala yung kapayapaang naramdaman ko dahil muli na naman kaming lumakad patungo naman sa ikalawang summit. Puro paahon na ang daan kaya halos hapuin na naman ako habang naglalakad. Mula sa kinatatayuan ko tanaw ang isang bahagi ng bundok na nababalot ng naglalakihang puno, at kung hindi mo pagmamasdan ng maigi ay hindi mo aakalaing may mga taong naglalakad papasok dito. Ang layo. Ang taas.

"Dyan tayo pupunta." sambit ng isa mga kasama ko. Panandalian akong napahinto sa paglalakad dahil sa pagkabigla.

Seryoso?

Habang papalapit sa lugar na tinatanaw ko lamang mula sa malayo kanina ay unti-unti ko ng nararamdaman yung pagod sa binti ko. Sumusumpa na ako sa isip ko na hindi na ako babalik pa ulit sa lugar na iyon, ni muling aakyat sa kahit anong bundok dahil sobra-sobra na yung pagod na nararamdaman ko.

Hindi na. Ayoko na.

Bago makarating sa ikalawang summit ay may daanan na may naglalakihang bato. Kasabay nito ang panlalaki ng mata ko nung makita ko yung ginawa nung mga taong nasa harapan ko. Hapang. Panandalian akong napahinto at tumingin sa kasama ko na nasa likuran ko na para bang nagtatanong kung kakayanin ko ba yun.

Kakayanin ko pa ba?

Isang tango.

Yun ang naging hudyat para muli akong magpatuloy sa tinatahak kong daan. Matapos ang ilang minutong pag gapang ay tumambad sa aking yung malawak na bukirin. Wala na akong ibang nakita sa paligid ko kung hindi bundok.

Sa sandaling pamamahinga sa ikalawang summit nandoon pa din yung pagod, yung pagsisisi at yung tanong ko sa aking sarili. Bakit ba ako namundok? Bakit ko ba ginawa 'to? Bakit ba ako sumama pa dito? Masarap pa sana yung tulog ko kung nanahimik na lang ako sa bahay. Nakapagpahinga pa sana ako.

Nagtutulakan na yung dalawang binti ko nung muli kaming maglakad dahil halos hindi ko na maihakbang pa ito dahil sa pagod. Maglilimang oras na din mula nung nagsimula kaming umakyat. Makakarating pa ba ng buo ang tuhod ko sa tuktok? Panandalian akong naupo sa pagitan ng paahon na pinanggalingan ko at paahon na siya namang dadaanan ko.

Ayoko na.

Talaga.

Pinanghihinaan na ako ng loob nung mga oras na yun. Hanggang sa may napadaan sa tabi ko, agad akong napatayo dahil sinabi niya.

"Yaan na yung summit." sabay turo doon sa tuktok nung paahon sa harap ko.

















Kahit pagod, agad akong nagsimulang gumapang paakyat. Sobrang pagod na ako kaya hindi ko na tinangka pang lumakad patayo doon sa parteng itong ng bundok. With the help of the last ounce of my energy I gave it all just to reach the last summit.

Salamat Ama.

Salamat sa ganda ng iyong likha. Salamat sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para makita ko ang iyong mga gawa. Salamat sa lakas at patnubay habang tinatahak namin ang daan patungo dito.

Sinong mag-aakalang mararating ko itong lugar na 'to na dati ay pangarap ko lang. Noon pangarap ko lang makaakyat ng bundok, kahit isa lang. Gusto ko lang maranasan. Pero wala akong lakas ng loob, tingin ko pa lang hindi ko na kakayanin. Pero narating ko yung tuktok.

Kahit mabagal, kahit matagal, kahit puno ng hirap at pagod. Narating ko yung gusto kong paroonan. Kinaya ko. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Nawala lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko sa nung makita ko yung karatulang "Mt. Ulap 3rd Peak"


How it all started

How it all started

2016. I was in college when I first encounter people who occasionally hike.It has been a dream for me to climb a mountain so I was so fascinated every time I hear stories about their experience. All I can remember is the story about Mt. Pulag with an astonishing sea of clouds. I want to see it myself.

Hiking, mountain climbing, trekking requires a physically fit body, which I don't have during that time. I can easily get exhausted just walking a short distance due to physical inactivity. With the body built that I have way back when I was in college, all I can do was to listen. So I abandoned that desire to hike a long time ago, I never really thought I would come to a point in my life where my dream to climb a mountain would come to reality.

It was in December 29, 2019 when I had my first hike. It was in Mt. Ulap in Itogon, Benguet. Even though unsure of what I am about to do I said yes to my mother who keeps on asking me that we should try to hike. 

I can still remember how exhausted I was when we were still walking in a concrete path on the way to the first signage of Mt. Ulap, not even a kilometre walk but I was already catching for my breathe. I was already questioning myself if I should continue the hike or just go back. Bpon reaching the first signage I was already mesmerized by the view that awaits us and I know that there is so much more once we reach the summit. So I continued. 

Hiking becomes a hobby, meeting and getting along with different kinds of people have been a normal routine, nature had become my safe space, a training ground, a life lesson, and something that keeps me going. 

This experience taught me a lot, it has become a way for me to discover a lot of things about myself. I can say that it helps me to become a better version of myself, it brought me a new learning experiences, and it has been a way for me to get to know a lot of amazing people with different stories to tell and an experiences to share. 


My experience during my first climb in Mt. Ulap.