My Blog List

Mt. Romelo








Pinsan ng Mt. Marami. One of the mountain na hindi ko gugustuhing balikan lalo na kung tag-ulan. Mt. Romelo.

We started our hike ng umuulan, it only took us an hour to finally reach the summit. Walang clearing kaya walang view at madaming photo ops. Hindi ka pahihirapan ng trail ng Mt. Romelo pag paakyat, pero susumpa ka na pag pababa. Biro ko nga sa event na sinamahan namin, it should be four falls with Mt. Romelo as a side trip dahil mas mahirap pang puntahan yung apat na falls which during that time dalawa lang yung narating namin. Buruwisan and Lanzones dahil maulan at medyo malakas na yung current ng tubig.

Kung wala sigurong ulan walang kahirap-hirap naming bababain yung bundok pero since umulan, unli-putik, dito ko unang naranasan magpa-slide at yumakap sa mga puno para lang makababa dahil halos ayaw ng kumapit ng sapatos ko sa lupa. Kung hindi lulubog sa malambot ng putik, dudulas naman, the only way na medyo safe akong makakababa is magpadulas o gumamit ng UPS.


Mt. Pinagbanderahan

Taken after the hike

Just two weeks after our first major hike, die hike, buwis buhay hike of Mt. Irid, we decided to climb the Mt. Pinagbanderahan of Atimonan Quezon. That was 6/9 to 2/9 real quick. 

Entrance to Pinagbanderahan Trail

Ibang klase yung tune-up hike niyo para sa Pinagbanderahan, as what the tour coordinator said. nung sinabi nila na may hagdan sa bundok na yun, I didn't believe that the whole trail was composed of merely 90% na puro hagdan nga. Mas masakit sa tuhod. 

Stairway to summit

Hindi na ako nag sapatos since nasira na siya ni Irid from the last hike, I was left with no choice but to wear my hiking sandals. Hindi na din ako nagsuot ng shorts na pang doble kasi I thought to myself na hindi naman siguro kailangan gumamit ng UPS at GPS sa hike na yun. May plot twist pala pagdating sa summit.

We started our hike at around 5:30, it was still dark and I don't have my flashlight with me that time since sabi ko nga madali lang yung trail, so the only thing that gives us light was the torch coming from our phones.

Ito yung legit na 2/9 na hike hindi ka talaga pahihirapan, masakit lang talaga sa tuhod dahil sementado na yung daan. 

Sa mismong summit doon nakatayo yung bandera ng Pilipinas. 

Summit.

Pinagbanderahan History

The view from the summit was superb, mababa lang siya pero dzai kahit saan ako tumingin puro bundok at green na lang yung nakikita. Sobrang nakaka overwhelm dahil ang ganda ng clearing, may sea of clouds pa na bumungad sa amin pag-akyat pa lang namin. 


Sierra Madre Mountain Range

But since nandun naman na kami, we walked for like 5-10 minutes papunta sa rock formation. nandito na yung plot twist nitong hike. Akala ko patag at hagdan lahat, pero dito ko na nagamit yung UPS at GPS na hindi ko inakalang gagamitin ko.  

Pinagbanderahan rock formation















Mt. Irid | First Major Hike | Die Hike

Two weeks after not being able to summit the minor mountain of Mt. Marami. I said yes to another tiring, yet memorable climb. My first major hike. Mt. Irid. 

Even though I don't want to climb Mt. Irid that time dahil nga traumatized pa ako sa Mt. Marami, I still said yes because the event would be a donation drive hike. Since it was scheduled on November 29, 2020, two weeks after being hit by Typhoon Ulysses. 

Mt. Irid, this mountain is notorious for the blood-sucking leeches and on top of that kilala din ang Mt. Irid na madamot sa pagbibigay ng clearing, kaya ayaw ko talaga siyang puntahan. Sana. 

On the way to Barangay Sta. Ines, the weather was perfectly fine. Walang ulan, walang trace na uulan, but then as we are about to cross the first river, the weather suddenly changed, there was already a light rain, nagsimula na akong kabahan para sa event na yun, but then wala ng atrasan. 

When we finally arrived at Sta. Ines it was already raining. We started our hike at 3:00 am, maputik, na naman, but luckily I was wearing a hiking shoes kahit alam kong may river crossing, I don't want to take any chances anymore, hindi bale nang mabasa yung sapatos ko, mababasa din naman yun ng ulan.

The first river crossing went well even though the current was strong since it was raining that time. Originally we were supposed to cross eleven river but due to the damage that Typhoon Ulysses have brought to this trail it was reduced to nine. 

We were crossing the second river nung maramdaman kong gumaan kaliwang paa ko, hindi maganda yung pakiramdam ko kaya dahan-dahan akong lumakad paahon sa ilog. We were still in the second river but my shoes already gave up. We weren't even halfway to the summit pero damage na yung sapatos ko. I wasn't really sure kung makakasummit ako nung mga oras na yun, pero sige lang. 

Velcro. Paracord bracelet. A piece of cloth. Yun yung itinali ko pansamantala sa sapatos ko para lang makapagpatuloy ako. Nakailang river crossing din kami at kahit papaano kumapit naman yung mga itinali ko sa sapatos ko, pero dahil sa putik, natanggal din bandang huli. Thankfully Kuya Angelo (one of our guide) lend me his handkerchief at yun yung itinali ko sa sapatos ko kaya nakapagpatuloy pa din ako. (Hindi ko na naibalik pagbaba kasi hindi na siya mukhang panyo.)

Sinukuan mo agad ako, nagsisimula pa lang tayo.

Last river before going to Sitio Kinabuan, nagbabadya na namang matanggal yung panyo sa pagkakatali sa sapatos ko, that's when I asked Kuya Poy (our lead guide) to tie it for me dahil for sure mas alam niya kung paanong pagtatali yung gagawin para hindi agad kumalas, thankfully it last hanggang sa nakarating kami sa Sitio Sadlak. I survived the four long hours of hike with a broken shoes. Thank God, but still it was just the first half of the climb. We have to walk another four hours to reach Mt. Irid's summit. This, so far, was the most accurate description I have ever encounter. When the guide said it would take us four hours to reach Sitio Sadlak, yun talaga yung nangyari. 

From Sitio Sadlak, Mt. Irid's summit was not visible because of the non-stop rain and the clouds are covering it. We were told that some of the group who stayed in Sitio Sadlak for overnight decided not the pursue their hike up to the summit\dahil malabong magkaroon ng clearing sa taas sa lagay ng panahon nung mga oras na yun. But since we're in a day hike event, we continued after a 45 minutes rest. 

Brunch at Sitio Sadlak, before the real battle begins.


Hindi masyadong maalala yung mga kaganapan paakyat sa summit dahil ang tanging iniisip ko na lang ay makarating kami dun para makababa na din. Striving to reach the summit para makababa na agad.

Photo ops. 

White background lang pala kailangan ko, hindi ko alam kung bakit dumayo pa ako ng Mt. Irid para doon. Wala talagang makita sa summit, ni anino ng Tukduang Banoi sa harap hindi sumilip. It was all white in the summit, the wind is blowing on our wet clothes. Akala ko magkakahypothermia ako sa taas. Matapos yung photo ops wih the white background nagdecide na din kaming bumaba. 

Pasado na para sa passport white background photo

Backtrail. 

Pros. Familiar ka na sa daan. Cons. You'll suffer the same trail that bought you a great deal of struggle nung paakyat ka. 

Kanya-kanyang lakad na pababa ng summit. Nahiwalay na kami sa lead guide at napunta sa sweep dahil naunang bumaba yung iba sa mga kagrupo namin. Pagod. Gutom. Giniginaw. Naghahalo na yung mga nararamdaman namin nung mga oras na yun. Nakakapanghina kasi backtrail unli assault mula Sitio Sadlak hanggang sa summit, at yun yung kailangan babain. 

Kung paanong hindi ko na matandaan yung mga pangyayari nung paakyat, ganun din nung pababa. Basta nagkahiwa-hiwalay kami pabalik ng Sitio Sadlak. 

Nagsimula ko ng maramdaman yung tuhod ko. Masakit na. All I want during that time was to reach Sitio Sadlak. Patag.

Dinadaan na lang namin sa kwentuhan ng guide yung hirap nung daan. I was really thankful to Sta. Ines guide, hindi ka talaga pababayaan. Buti pa yung mga guide hindi nang-iiwan. Charot. 

3:00 pm when we started to descent from Sitio Sadlak to Sitio Kinabuan. Nasa likod ako ni Kuya Poy tinropa pa ko na talaga siya para mahirapan man ako sa daan kahit papaano may makakapitan ako plus moral support. We've been on the trail for 12 hours, pagod na katawang lupa ko nung mga oras na yun. Nagtutulakan na yung mga binti ko pababa, the struggle is real na talaga dahil walang tigil yung ulan. 

Nakikipaghabulan kami hindi lang sa oras, kundi sa liwanag, halos lowbat na  lahat ng flashlight namin, mahirap maabutan ng dilim sa trail lalo na't umuulan. Pangalawa, yung ilog sa baba dahil tumataas na yung tubig dahil sa walang tigil na pag-ulan. 

I was updated sa mga nangyayari dahil naririnig ko sa radyo ni Kuya Poy yung mga palitan nila ng usapan nung mga taong nasa baba. Umakyat na yung ibang guide ng Sta. Ines dahil nga ilang grupo kaming nasa taas pa. Mahihirapan na daw magtawid ng tao sa ilog dahil masyado ng mataas at malakas yung current ng tubig. 

Madilim na nung makarating kami sa unang ilog, at dahil ako yung nasa likod nung lead guide, ako yung naunang itawid. Other guides were already waiting for us dahil nga hindi na kaya ng isang tao lang yung magtatawid dun sa ibang ilog. 

Na-orient naman ako ng maayos nung guide pero nauna yung nerbyos ko kaya while we were crossing the first river pareho kaming tinatangay ng current nung guide. During that time all I can think was saan kaya kami pupulutin nito? akala ko katapusan ko na when someone took a grab of my bag from the back. Hindi ko na nagawang tumayo sa ilog tatlong tao yung humila sa akin papunta dun sa kabilang side nung ilog. My mom during that time was crying already kasi nga ninerbyos din sa nangyayari. 

Makakalabas pa ba kami ng buhay? Makakauwi pa kaya kami sa amin? All those question was lingering through my mind habang pinagmamasdan ko kung paanong tulong-tulong na itinatawid nung mga guide yung mga kasama ko isa-isa. Madami din sa amin  yung nakaranas nung naranasan ko. Kaya I was really thankful and kudos to their guides dahil they were able to crossed us safely to those rivers. 

We didn't used the 8th and 9th river from Kinabuan to Sta. Ines because as what the guide said malilintikan na talaga tayo pag doon tayo dumaan. It was past 6 already but we're still walking in an endless trail, thankfully no more river crossing ahead. 

I can't feel my legs anymore dahil sa pagod. I keep on asking the guide kung malapit na ba dahil ayaw na talagang humakbang ng mga binti ko. On our way, the guides told us that they don't think we can get out of their barangay that night dahil mataas na yung ilog at malakas yung current nung tubig na hindi kakayaning dumaan ng monster jeep. We were told that makakalabas lang kami that night kung sakaling hihina yung ulan at bababa kahit kaunti yung tubig sa ilog. I choose not to believe what the guide said, kailangan makauwi kami ngayong gabi. All I want that time was to rest. Gusto ko ng makauwi. 

When we finally reached the Sta. Ines nabuhayan ako, pero 10 minutes had pass already pero hindi pa din kami nakakarating sa jump-off. Kulang na lang ay magpagulong ako dahil I was really tired. Upon seeing Sta. Ines Multi Purpose Hall all I can say was "Thank you Lord, nakalabas din kami." during that time akala ko makakauwi na kami dahil nga day hike lang yung event namin, but that wasn't the case. 

Taken the next day

Mataas na yung ilog, malakas na yung current, patuloy pa din ang pagbagsak ng malakas na ulan. Walang signal sa Sta. Ines, walang kuryente dahil nga kagagaling lang nila sa bagyo. 

We were stranded.

Together with different groups of hiker, we stayed at Sta. Ines's Day Care Center. Kanya-kanyang hanap ng pwesto para lang makapag-pahinga, kanya-kanyang latag ng karton para magsilbing banig, kanya-kanyang hanap ng paraan para maibsan yung lamig nung gabing yun. Wala kaming ibang dala kung hindi damit na pamalit dahil who would've thought that a dayhike even would turns out be a die hike and emergency overnight one. Regardless of how awful our situation during that night, I was able to sleep, dahil na din siguro sa pagod. 

The next day, we were told to pack our things up so we could leave as early as possible. Wala ng ulan. Payapa na yung kalangitan. After waiting for several minutes, nakumpleto kami sa jeep and we bid our goodbyes to our guides. 

Monster jeep started rolling, maliwanag na kaya kita yung daan. Kita na yung pinsalang idinulot nung nagdaang bagyong Ulysses. Madaming puno ang nakatumba, mga nagkalat na kahoy. We were on our way to the first river crossing nung may madaanan kaming isang monster jeep na nakahinto nabalahaw sabi nung kasama nung driver ng monster jeep. Nauna na yung jeep na sinasakyan namin na lumusong sa ilog, the first seconds seems normal but the next thing we saw was the water from the river's getting inside the monster jeep. Nabalahaw. 

Luckily, hindi malakas yung current nung tubig nung mga oras na yun dahil walang ulan. We safe keep our mobiles phone and everything na pupwedeng mabasa doon sa styro box na nasa loob ng jeep so when worse come to worst safety na yung mga gamit namin. 

A few minutes had past and the water inside the jeep was ankle deep already. Ilang jeep yung dumaan at sumubok an humila sa amin, halos 30 minutes kaming nasa gitna habang pinagtutulungan na ma-i-alis kami doon sa pagkakabalahaw. 

As we were able to get out of the first river, we had a glimpse of a rainbow from a further distance. All I can think during that time was sinasabi ng bundok na dapat namin siyang balikan, it seems like it was giving us a hint that the next time we visit their place mawiwitness na namin kung gaano kaganda yung lugar nila.

Rainbow

It was as if saying that after every struggle there is always a sweet success. We may not be able to see the beautiful view from the top of the mountain, at least we were able to surpass the different hurdles that we've encounter on our way to and from it. That experience itself was one of the most fulfilling thing I've ever experience so far sa pamumundok ko. 

Mula sa trail hanggang sa nakababa, hanggang sa palabas na lang ng barangay puro adventure yung naranasan namin. From the broken shoes, to a white background summit, to the nonstop pouring of rain that lasted for almost twenty hours, to the raging river crossing, endless night trekking with only a single flashlight that guides us, to being stranded at an unfamiliar place for a night, and being stuck in the middle of a river. That was a hell of an experience. 



Mt. Daraitan




 Mt. Daraitan, 4/9 pero pag umulan 7/9. I've been avoiding this mountain because of that. Umalis kami ng Maynila ng maganda ang panahon, pero pagdating namin sa mismong Daraitan, nagsimulang magsungit ang panahon. Unti-unting nagdilim at umambon, halos gusto ko ng umatras nung mga oras na yun dahil wala ako sa mood na gumapang sa putikan pero wala namang choice. Sayang naman yung ipinunta namin kung hindi pa ako tutuloy. 

Nagsimula sa orientation, sinabi ng guide na mula jump-off hanggang sa summit aabutin ng 3-4 hours. Yung tatlo hanggang apat na oras na yung puro assault at walang patag. But since ilang beses na akong nabudol ng mga guide, hindi ako naniwala.

Wala pang isang oras ng paglalakad sa cardiac assault nung tumigil ako sa kalagitnaan at nagtanong sa guide kung may malapit ba na patag, tinignan lang niya ako tsaka ako sinabihan ng "Ma'am hindi ka ba nakinig sa orientation?" and that's when I knew hindi budol yung guide sa Daraitan. Pag sinabing solid assault pa-summit, solid talaga. Dagdag pahirap pa yung pagbugso-bugsong pag-ulan. 

Dito ko unang naexperience makakita ng ahas sa trail, hindi lang makakita, na-fall pa sa akin. Naglalakad ako nung biglang may nahulog na mula sa itaas at bumagsak sa mismong paanan ko, kung napabilis lang ng kaunti yung lakad ko baka sa mukha ko nag landing yun. Matapos nun medyo na-praning na ako at naglalaro na yung mata ko, naglilikot at nag-iikot sa bawat sangang mahahawakan hanggang sa makarating sa summit. 

Kahit na pabugso-bugso yung ulan, we were lucky dahil nabiyayaan kami ng clearing sa summit. Pero after ng photo-ops agad ding nabalot ng ulap yung buong summit. 

Nagsimula kaming bumaba papuntang heart peak. Bago pa lang daw yung trail na dinaanan namin kaya masukal pa at halos hindi pa makita yung daan. Higit isang oras din kaming naglakad papuntang heart peak habang umaambon. Pero gaya sa summit, pinagbigyan din kami ng magandang clearing at pinatapos lang magpapicture bago muling umulan.

Mula heart peak hanggang sa makababa wala ng tigil yung ulan. Nagdidilim na din yung paligid gawa ng maitim na ulap kaya nakikipaghabulan na kami sa panahon na makababa dahil baka abutan kami ng paglaki ng ilog at hindi kami makabalik sa jump-off. Kung paanong ingat na ingat na hindi maputikan nung paakyat, ganun namang careless na nung pababa. Ang importante na lang makababa kami ng maliwanag pa at hindi pa mataas yung ilog. Halos magpadulas na kami sa putikan dahil mahirap na talaga yung daan gawa ng ulan. Pero luckily nakababa kami ng hindi pa tumataas ang ilog, wala na din yung ulan nung makarating kami sa river. 

Mascap Twin Hike

This climb was supposed to be a Trilogy Hike, three mountain for a day but weather condition did not permit us so we just climb the peak of Espadang Bato and Sipit Ulang. 

It was still dark when we started our trek, there is a light rain but we still continue our hike. It was just my second time to hike trilogy agad, feeling harkor na.

It took us an hour from the jump-off point to the first peak which is Sipit Ulang. Sun has still not risen when we arrive at Sipit Ulang, we were told to wait until there is a sunlight already since they do not allow the hikers to climb the rock formation when it is still dark, hindi din naman kami makaka-awra kung madilim pa, hindi din makikita yung rock formation. 

While we're waiting for the sun to rise, I accidentally took a glimpse of the cloud formation on the left side on where I am standing. Little did I know it was already the sea of clouds that every hiker loves to see. 

I had a lot of firsts in this hike. This is where I first saw a sea of clouds. This is also where I had my first rock climbing experience. When the sun was already up, I already had a chance to look at the Sipit Ulang's rock formation, I've never imagine myself scrambling on those sharp edges rock. It was not until one of our tour guide told us that we should start to line up for the photo ops. Crap. I was hesitant at first. It was my first time to climb a rock, without a harness, or anything to support my body if something goes wrong. I was extra cautious because the rock are slippery due to the light rain, which eventually stop when we are still on the line, waiting for our turn for the photo ops area.

Never kong na-imagine yung sarili ko ng gumagapang patawid sa bangin, pero I did. Kahit takot, tinuloy ko, nandoon na ako. Sayang naman kung hindi ko susubukan. Naging maingat lang ako dahil one wrong move, isang maling tapak pwede akong madulas, bangin at matatalim na bato sa ibaba ang nag-aabang. 

Matapos ang ilang minutong paghihintay, we finally reached the first peak. Sipit Ulang. 

Uulan, titigl, aambon, hihinto. That was the entire weather that day. Ni hindi man lang sumilip yung araw nung araw na yun. 

We were already on our way to Espadang Bato when we took a rest in bukohan. We were enjoying the sip of our buko juice when our tour coordinator told us that the mountain in front of us was the one that we are about to climb. Just by looking at it makes my knee give up already.

Kung gaano kadali at kabanayad yung daan patungo sa Sipit Ulang, ganun naman ako sobrang pinahirapan ng trail ng Espadang Bato. Pagkalagpas ng bukohan, doon na nagsimula yung totoong bakbakan. All of us were scrambling on a 70-ish degree assault, I've heard our fellow joiner comparing Espadang Bato trail to the famous Mt. Daraitan's trail. Since I was still a beginner, I have no idea how difficult Daraitan's trail is, basta ang inisip ko, mas malala pa sa siguro sa trail na tinatahak ko nung mga oras na yun. From that moment, nasa blacklist ko na ang Mt. Daraitan. I will never climb that mountain, I don't want to suffer on a trail as difficult as Espadang Bato's trail. 

Ginusto kong huminto para magpahinga, pero hindi ko magawa dahil once a huminto ako mapapahinto din yung mga nasa likuran ko dahil maliit yung trail, and so I continued. Habang gumagapang paakyat, nadaanan namin yung isang kasama namin sa event, she said she can't carry on anymore at maghihintay na lang siya doon sa bato kung saan siya nakaupo. Muntik na akong huminto at hindi tumuloy dahil kung saka-sakali may kasama naman akong maghihintay, pero I didn't. Sayang yung experience kung hindi ko pa itutuloy.

Up until now I can still remember how I felt nung mabilis akong umakyat doon sa isang bato sa daan. My energy was draining and so as my patience, all I want to do that time was crawl as fast as a I can para makarating na kami sa summit at makapagpahinga na din. Umay na sa assault na halos face to face na sa lupa at bato. Muntik na akong sumuka the moment na nakaakyat ako, dahil sa sudden altitude gain, which during that time, I still have no idea pa. I took a sudden stop and told the guy who's next to me na mauna na lang, but he refuse to advance, instead he told me that we should rest for a while. At doon nagkaroon ng traffic sa trail, pero saglit lang kasi dumiretso na ako ulit nung medyo nahimasmasan ako. 

The endless assault end when we are about five minutes away mula doon sa tindahan malapit sa Espadang Bato. We took a quick rest to recover from the hell-ish assault. Ayaw kong bumalik ulit sa daan na yun.

Dito ko din naexperince na umusok ako dahil sa init at pawis. Para akong pinakuluan, ganun din yung iba sa mga nakasama namin. Wala pa man din kami sa summit pero grabe na yung experience ko sa event na yun.

Photo Ops. Isa na siguro 'to sa kinaiinisan ko sa tuwing naghahike ako dahil ito yung nagpapatagal. Mahabang pila. Walang katapusang pag awra.

We had our lunch doon sa kainan habang hinihintay na matapos yung first group sa photo ops nila. We waited for like an hour bago kami nakapunta sa mismong paanan ng Espadang Bato. At bilang ayaw ko ng patagalin pa yung paghihirap at nerbyos ko, kasama na ako dun sa mga naunang pumila sa grupo namin. Wala pang ulan nung nakapila kami, pero habang papalapit kami sa unahan, and it was our turn already, biglang umambon. Crap.

I've been mentally preparing myself na wag akong kakabahan habang paakyat at nung desidido na ako, bigla namang umulan. Madulas na naman. 

Aakyat ako, pero hindi ako tutungtong sa taas. That was my only goal. The guide keeps on telling me to go further and to stand above the rock pero dahil it was just my second time to climb, I didn't. I know my limit. Bukod sa umuulan, hindi ako sanay sa akyatan sa bato. Kinakabahan ako, at beginner pa lang ako. Sobrang liit nung tutungtungan, sakto lang na makatayo ka, wala ng hakabang ng paa pagdating sa taas. I won't risk my safety for the sake of instagrammable photo. Kuntento na ako na naging ulo ako ng Espadang Bato that time, but I promised myself na babalik ako in that exact spot when the time is right, pag kaya ko na, pag mas madami na akong experience when it comes to hiking, at madami na akong baon na lakas ng loob.

Natuyuan ng pawis, nabasa ng ulan, natuyuan ng ulan, nabasa ng pawis. Pagbaba namin ng jump-off, hello fever. Ito yung hike na naging dahilan para kumbulsyunin ako kinabukasan. Still, memorable.