Mt. Daraitan, 4/9 pero pag umulan 7/9. I've been avoiding this mountain because of that. Umalis kami ng Maynila ng maganda ang panahon, pero pagdating namin sa mismong Daraitan, nagsimulang magsungit ang panahon. Unti-unting nagdilim at umambon, halos gusto ko ng umatras nung mga oras na yun dahil wala ako sa mood na gumapang sa putikan pero wala namang choice. Sayang naman yung ipinunta namin kung hindi pa ako tutuloy.
Nagsimula sa orientation, sinabi ng guide na mula jump-off hanggang sa summit aabutin ng 3-4 hours. Yung tatlo hanggang apat na oras na yung puro assault at walang patag. But since ilang beses na akong nabudol ng mga guide, hindi ako naniwala.
Wala pang isang oras ng paglalakad sa cardiac assault nung tumigil ako sa kalagitnaan at nagtanong sa guide kung may malapit ba na patag, tinignan lang niya ako tsaka ako sinabihan ng "Ma'am hindi ka ba nakinig sa orientation?" and that's when I knew hindi budol yung guide sa Daraitan. Pag sinabing solid assault pa-summit, solid talaga. Dagdag pahirap pa yung pagbugso-bugsong pag-ulan.
Dito ko unang naexperience makakita ng ahas sa trail, hindi lang makakita, na-fall pa sa akin. Naglalakad ako nung biglang may nahulog na mula sa itaas at bumagsak sa mismong paanan ko, kung napabilis lang ng kaunti yung lakad ko baka sa mukha ko nag landing yun. Matapos nun medyo na-praning na ako at naglalaro na yung mata ko, naglilikot at nag-iikot sa bawat sangang mahahawakan hanggang sa makarating sa summit.
Kahit na pabugso-bugso yung ulan, we were lucky dahil nabiyayaan kami ng clearing sa summit. Pero after ng photo-ops agad ding nabalot ng ulap yung buong summit.
Nagsimula kaming bumaba papuntang heart peak. Bago pa lang daw yung trail na dinaanan namin kaya masukal pa at halos hindi pa makita yung daan. Higit isang oras din kaming naglakad papuntang heart peak habang umaambon. Pero gaya sa summit, pinagbigyan din kami ng magandang clearing at pinatapos lang magpapicture bago muling umulan.
Mula heart peak hanggang sa makababa wala ng tigil yung ulan. Nagdidilim na din yung paligid gawa ng maitim na ulap kaya nakikipaghabulan na kami sa panahon na makababa dahil baka abutan kami ng paglaki ng ilog at hindi kami makabalik sa jump-off. Kung paanong ingat na ingat na hindi maputikan nung paakyat, ganun namang careless na nung pababa. Ang importante na lang makababa kami ng maliwanag pa at hindi pa mataas yung ilog. Halos magpadulas na kami sa putikan dahil mahirap na talaga yung daan gawa ng ulan. Pero luckily nakababa kami ng hindi pa tumataas ang ilog, wala na din yung ulan nung makarating kami sa river.


