My Blog List

Mt. Arayat

062321

Mt. Arayat, aside from Mt. Daraitan I've been avoiding this mountain for who knows how many times already. Just by looking at it from a far every time we pass by the expressway I can already see myself catching my breathe while I'm crawling on it's way to the summit. Kita naman mula sa malayo kung gaano katindi ang assault ng bundok na yun, halos mukhang sa summit ka na lang makakatikim ng patag once you started the hike. 

This hike was unplanned it was already Friday when I decided to hike dahil sobrang overwhelmed na ako sa mga nangyayari, I needed to breath. 

We started the trek around 3:00 am, almost 45 minutes bago kami nagpahinga. Hindi pa ako nagtatagal sa trail pero gusto ko ng umatras dahil puro assault pala talaga. Bago pa man ako nagdecide na umakyat that day, nagtanong na ako sa mga kakilala ko about sa trail puro assault nga daw. Galing ako sa hike ng Maltrav last month before this event pero parang beginner na naman ako. Umaayaw na ako simula pa lang ng bakbakan. 
On the way to Pinnacle.

6:00 am we arrived at the Pinnacle Peak. So far okay yung trail, hindi masyadong technical, puro lakad lang naman papuntang Pinnacle, nakakaumay lang talaga dahil puro assault. Ito yung lakad na hindi mo na lang gugustuhing tumingin sa harap o tumingala kasi mauumay ka lang sa makikita mo. 

South Peak view from Pinnacle

We stayed for almost an hour at Pinnacle Peak waiting for our turn sa rope segment at monkey trail patawid ng South Peak. Bukod sa aware akong unli-assault yung trail ng Arayat, yung monkey trail nito yung iniiwasan ko. Side by side bangin, one wrong move pwede kang malaglag. 

The 70 meters rope segment was the longest 70 meters of my life. Tanggal lahat ng stress na iniisip ko during that time na nasa rope segment ako. All I could ever think was paano ako makakababa ng buhay dahil isang maliit na pagkakamali lang pwedeng ikapahamak. 

Hindi ko alam paano ko pa nagawang magbiro habang nasa rope segment ako because I have a video footage of me messing around habang panandaliang nagpapahinga. 

Monkey Trail. Ito na yung isa sa dahilan ng pag-iwas ko sa bundok na yun. I was already standing sa bungad ng monkey trail pero naisip ko pang mag umatras dahil nalula ako sa nakita ko. Left and right, bangin, sobrang nipis ng daan. May mga loose soil pa, may sinabi pa yung guide na wag tatapakan dahil malambot, tapos hindi ko pa nakita saan yung part na yun. 

Why am  I even doing this? Tanong ko sa sarili ko bago ako tuluyang humakbang patungo sa monkey trail, lakas ng loob, matinding concentration at panalangin yung baon ko nung mga oras na yun. Nininerybos man ako pero wala na akong choice dahil nasa gitna na ako.

Akala ko pagkatapos ng monkey trail wala na ng ridge part na dadaanan. Pero I was wrong, the whole trail from pinnacle to south peak ay puro left and right na bangin. Pero kahit papaano hindi na ganun kahirap unlike nung sa rope segment at monkey trail. 

The last assault before the famous photo ops area sa south peak was one of the memorable experience for me, it was a 90 degree assault, may rope din dahil you really have to use your upper body para makaakyat. I had to use my head, para maikalang ko sa sanga dahil the moment that I gave all my weight to the rope, it become shaky. Nawala yung balance ko, akala ko katapusan ko na. Buti na lang matigas yung ulo ko at nasuportahan niya yung katawan ko. HAHA