March 15, 2020, ito sana yung araw na narating ko yung Montalban V1. Pero yun din yung mismong araw ng pagsisimula ng inakala ng lahat na panandaliang lockdown.
After 17 months, bago ko tuluyang narating 'tong Mt. Pamitinan, matapos ang labing-pitong buwan ng pag-iisip kung paano nagagawa ng mga taong nagpapapicture doon ang tumayo sa pamosong photo ops area, nasagot na din yung tanong ko. Kung gusto niyong malaman kung paano, akyatin niyo din. Haha.
We started our hike around 5 o'clock in the morning, based on the itinerary, it would take us four hours to reach the summit, pero wala pang dalawang oras nung makarating kami sa photo ops area.
Alam kong mabato yung daan papuntang Pamitinan, pero hindi ko inakalang sobrang mabato. I was literally crawling from one rock to another habang yung guide namin pa-chill chill lang. I heard him say pa na "Challenge talaga ma'am 'no?" nag expect ako ng aakyat sa bato, pero hindi ko inexpect na yung dadaanan halos parang hindi na madadaanan dahil naglalakihang bato yung kailangan akyatin at gapangin. Matutulis, matatalim at naglalakihan. I was wearing a gloves that time, pero ramdam ko pa din yung sakit sa tuwing kumakapit ako sa mga bato. One wrong move, kung hindi pants ang butas, baka yung mismong kamay ang mabutas.
Ito yung trail na hindi ka pahihirapan-- basta hindi uulan. Kaso during our climb, umulan, luckily nung pababa na kami galing ng Banoi, we're literally walking through the rain habang pababa ng junction dahil mas mahirap ang daan pag tumigil na yung ulan dahil mas madulas na yung lupa pag natuyuan na ng putik.